Friday, February 06, 2009

After 10 years...

Ang traffic mula BIR hanggang Alabang ay di nakabubuti. tsk.

------

bb-gandanghari: ano kaya kung... after 10 years ang AC e isa nang napakalaking kumpanya na? siguro ikaw na nasa position ni [boss].

me: haha! gusto ko yun! e ikaw? ano na posisyon mo?

bb-gandanghari: taga kolekta nalang ng pera, stock holder na ako e. paupo upo nalang, pupunta nalang ng opisina para kumuha ng dividends.

me: hahaha! pepede! e c [tahimik employee pero matalino], ano na kaya sha after 10 years?

bb-gandanghari: si [tahimik employee], sha na ang head ng technology group!

me: aah tama, lahat ng bagong teknolohiya, sha aapruba!

bb-gandanghari: tama, tapos sha rin ang pinapadala sa iba't ibang bansa para mag attend ng trainings.

me: c [batang employee] kaya? siguro sa panahong yon, PM na sha, marunong na magsalita.

bb-gandanghari: oo, tapos si [specialized in this application employee]... manager na ng isang subsidiary ng AC.

me: oo nga noh, malamang nga kase ang [this application] e magiging sobrang mabenta kaya gagawing hiwalay na negosyo!

bb-gandanghari: tama, at si [specialized in this application employee] lang ang makaka head nyan. sigurado after 10 years isang tawag pa lang ng problema, alam na nya solusyon.

me: ah alam ko na si [bagong dev] ang head ng finance department nya. bihasa kase yun sa technolohiya na may kinalaman sa pera!

bb-gandanghari: tama, tapos si [gf ni bagong dev] malamang sa bahay nalang sha kase mayaman na si [bagong dev]. yun, okaya dahil magaling sha, sha na ang pinakamataas na administrador sa AC.

me: onga. c [lalakeng medyo mataas posisyon] alam mo ano mangyayari sa kanya? di na hihilig sa OT, magkakaron ng limang anak e!

bb-gandanghari: hahaha! e c [partner nitong lalakeng medyo mataas posisyon]?

me: housewife. tingin mo?

bb-gandanghari: pwede. maaga pa para sabihin. e c [baguhang pasok]? tingin ko aalis sha sa AC, magiging dancer! hahaha!

me. hahaha! sigurado yun! e c [kabonding nitong baguhang pasok]? empleyado pa rin kaya ng AC?

bb-gandanghari: hmmm... ikaw makakasabi nyan kase ikaw na ang boss.

me: a onga noh. (long pause)

me again: wala na sha after 10 years. sinisante ko na :)

1 comment:

Unica Ivah said...

HAHAHAHAHAHAHA!!!! limang anak?!?! maawa ka sakeen! :D:D

nakakatawa tong post mo ah hahaha!